Massa sa 2023: Isang Overview

Ano ang mga nangyari, ano ang nangyayari ngayon at kung ano ang darating pa?

Ano ang nabago sa blockchain space noong nakaraang taon? Maikling sagot: wala gaano! Sa kasalukuyan, lahat ng sikat na Layer 1 blockchain ay nagdurusa pa rin sa tinatawag na blockchain trilemma at sa pagtaas ng kakulangan ng desentralisasyon. Sa umpisa ng 2023, nasaksihan natin ang maraming mga halimbawa ng regression sa espasyo kung saan nagiging mas sentralisado ang mga blockchain. Bago ang Merge noong nakaraang taon, ang Ethereum ay maaaring tawaging pinaka-desentralisado at secure na network noon. Ngunit mayroon itong ilang pangunahing isyu sa pag-scale. Iyon ang dahilan kung bakit nasasaksihan natin ngayon ang iba’t-ibang mga layer 2 scaling solutions, lahat ay sinusubukang ayusin ang problema ito. Pagkatapos ng merge, binawasan ng Ethereum nang husto ang pagkonsumo ng enerhiya ngunit naging mas sentralisado din ito. Ang iba pang mga chain, tulad ng Solana, ay may mas mahusay na scalability at disenteng seguridad ngunit sa anong halaga? Sa halaga ng sentralisasyon. Malinaw na kailangan natin ng Layer 1 blockchain na lulutas sa development obstacle na ito once and for all, nang hindi isinasaalang-alang ang desentralisasyon. Dito pumapasok si Massa.

Bilang isang bagong Layer 1 blockchain na matagumpay na nakamit ang seguridad, desentralisasyon at scalability. to ay magiging isang mahalagang, industry-first event. Ang katotohanan ay, ang lahat ng malalaking blockchain ay hindi pa nalulutas ang trilemma na ito. Ang ilan ay nangangailangan ng mga solusyon sa pag-scale at kawalan ng seguridad habang ang iba ay masyadong sentralisado. Nabibigyan solusyon ng Massa ang lahat ng ito sa pamamagitan ng autonomous smart contracts, blockclique architecture at transaction sharding. Ngayon, handa na ang proyekto na i-onboard ang susunod na bilyong user sa Web3, na nag-aalok sa kanila ng ligtas, scalable, naa-access at easy-to-use environment.

Ang Nakamoto coefficient test

Pagdating sa desentralisasyon ng network, ang Nakamoto coefficient ay isa sa mga pinakamahusay na pamantayan at dito mas lumamang ang Massa. Ang Nakamoto coefficient ay kumakatawan sa pinakamababang bilang ng mga tao (hindi mga validator ngunit tunay na tao) na kailangan upang guluhin ang system. Dahil maraming entity ang may hawak na malaking bilang ng mga validator, ang Nakamoto coefficient ng Bitcoin at maraming iba pang mga coin ay nasa 3 o 4 depende sa hash rate ng pinakamalaking mining pool, habang ang Ethereum ay 3 lamang noong Abril 2022 (bago ang Merge na itinuturing na mas nagdulot ng negatibong epekto). Upang masira ang isang network, ang isang attacker ay kinakailangang makakuha ng isang simpleng mayorya ng 51% ngunit ang ilang mga blockchain ay nangangailangan ng mas mataas pa na porsyento. Gayunpaman, ang bilang ng mga node ay hindi lamang ang salik na tumutukoy sa Nakamoto coefficient. Ang iba pang mga elemento, tulad ng pamamahagi ng node sa buong mundo, mga aktibong developer, pati na rin ang bilang ng mga kliyente at may-ari ay gumaganap din ng isang mahalagang papel.

See also  Ang Desentralisasyon ay di-negotiable

Bagama’t marami sa nangungunang 10 Layer 1 na network ay may mahinang Nakamoto score (halimbawa, ang Cardano ay mayroong 24 at Avalanche ay may 25), ang mga resulta ng Massa ay umabot sa higit sa 1000, na nagtatakda ng bagong record para sa pinaka-desentralisadong blockchain sa mundo ng Web3 (bukod sa Bitcoin). Ang Massa network ay may higit sa 6000 node na tumatakbo sa testnet nito at ang bilang na iyon ay mas tataas pa pagkatapos ng official launch. Mas mataas ito sa bilang ng mga validator sa iba pang sikat na chain (Avalanche na may 1209 validator at Cardano na may 3200).

“Kung ang isang blockchain ay hindi desentralisado, ito’y mapapares lang sa database nang AWS”.

Sébastien Forestier, CEO of Massa

Ngunit paano nakakamit ni Massa ang mga kahanga-hangang antas na ito ng desentralisasyon? Salamat sa mga unique nitong features:

  • Autonomous smart contracts

They execute autonomously, na binabawasan ang pangangailangan para sa integration ng serbisyo mula sa third-party at pag-automate nang buo, na kung saan ay nagpapababa ng mga gastos at nagpapabuti sa kahusayan.

  • Blockclique architecture

Ang bagong arkitektura na ito ay gumagamit ng transaction sharding sa isang multithreaded block graph at nagbibigay-daan sa mga parallel block na may mga katugmang transaksyon, na pumipigil sa double spending. Ito ang susi sa pagkamit ng mataas na antas ng bilis at seguridad habang pinapanatili ang desentralisasyon.

  • Proof-of-Stake consensus

Pinagtibay ng Massa ang mekanismo ng PoS para sa kahusayan ng enerhiya nito, na nagdaragdag ng resistensya ng Sybil upang epektibong kontrahin ang mga pag-atake ng Sybil.

  • Next-level decentralization

Ang Nakamoto coefficient ay ginagamit upang matukoy ang pinakamababang bilang ng mga validator na kailangan upang lumikha ng pagkaantala. Ang coefficient ng Massa ay madaling nahihigitan ng mga katunggaling PoS blockchain.

Mayroong, gayunpaman, isang karagdagang elemento na pumapasok din. Oo, pinag-uusapan natin ang accessibility.

 all comes down to accessibility

There’s just no two ways about it — upang higit na mapasulong ang paggamit ng teknolohiya ng blockchain, kailangang ma-access ang mga blockchain sa lahat ng mga prospective na kalahok. At their core, ang mga pampublikong blockchain ay dapat na perpektong tumayo para sa seguridad, transparency, self-governance at desentralisasyon. Gayunpaman, napakakaunting mga blockchain ang aktwal na naaayon sa mga pangunahing prinsipyong ito. Sooner or later, ang kapangyarihan ay may posibilidad na maipon sa loob ng iilang indibidwal. Ang mga indibidwal na iyon ay maaaring direktang makaapekto sa hinaharap na pag-unlad at aplikasyon ng mga network ng blockchain.

See also  Ang Panimula tungkol sa Massa

Ang isang paraan upang maiwasang mangyari ito ay ang bumuo nang may pag-iintindi sa kinabukasan at makipag-ugnayan sa napakaraming miyembro ng komunidad hangga’t maaari. Ang pinaka-epektibong paraan upang makamit ito ay sa pamamagitan ng pagpapababa ng mga kinakailangan upang magpatakbo ng validator node sa network, pagsulong ng demokrasya sa pamamahala ng blockchain at patuloy na pagsusumikap para sa pinakamataas na antas ng desentralisasyon. Kung mas mataas ang bilang ng mga kalahok, mas ligtas ang network.

Nangunguna sa isang bagong lahi ng Layer 1 na pampublikong blockchain na binuo ng mga tao para sa mga tao, binibigyang-daan ng Massa ang karaniwang user na lumikha ng kanyang sariling node gamit ang ilang mga token. Hindi kailangan ng mamahaling hardware. Ang mga gumagamit ay maaaring magpatakbo ng isang node nang direkta mula sa kanilang personal na computer at gawin itong isang validator. Nag-aalok ang Massa sa mundo ng tunay na desentralisasyon nang hindi isinasakripisyo ang scalability o seguridad upang makamit ito. Sa mahigit 6000 validator node na tumatakbo sa beta mainnet, nag-aalok na ang Massa ng antas ng desentralisasyon na mas mataas kaysa sa alinman sa mga katunggali nito sa Layer 1. Makakatiyak sa wakas ang mga developer at user ng Blockchain na ang ecosystem na kanilang itinatayo ay mananatiling independente at hindi maaapektuhan ng isang saradong grupo ng mga indibidwal.

Sa katunayan, ang koponan sa likod ng Massa ay nag-iisang nalutas ang blockchain trilemma at ipinakita sa mundo ang isang blockchain na simultaneously secure, scalable at desentralisado. Isang tunay na precedent sa blockchain space. Hindi kataka-taka na ang mga proyekto ng ecosystem ng Massa ay tumaas kamakailan sa 16+ na proyekto at ang mga bilang ng komunidad nito ay lumalaki ng napakabilis:

Dagdag pa rito, salamat sa walang sawang suporta ng aming mga miyembro ng komunidad, ang Massa ay kasalukuyang mayroong 6000+ na node na tumatakbo. Ang 2023 ay mukhang napaka-promising talaga]

Sa susunod na ilang linggo, ia-update ka namin sa lahat ng ground-breaking na proyektong ginawa ibabaw sa Massa. May ilang talagang kapana-panabik na bagay ang kasalukuyang nangyayari, kaya siguraduhing subabayan ang espasyong ito at sundan ang hindi mapigilang paglaki ng Massa!

Total
0
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous Post

Gumawa ng Mga Smart Contract sa SC Playground ng Massa

Next Post

Ang Ecosystem ng Massa ay nakakaranas ng record na paglago sa Q1 2023


Disclaimer : This website does not invite anyone to invest in the projects we are talking about. This is simple information about crypto projects that we find interesting.
Related Posts