Massa, ang pinaka-naa-access na Layer 1, sa ngayon

Malayo-layo na rin ang narating ng Blockchain. Ang unang ideya na nagtulak sa paglikha ng distributed ledger technology ay nagmula pa noong 1970s. Ang tunay na nagpakilala ng blockchain tech sa publiko ay ang meteoric na pagtaas ng Bitcoin. Ang krisis pinansyal noong 2008 ang siyang nagbigay inspirasyon kay Satoshi Nakamoto na lumikha ng isang bagong uri ng blockchain. Isang Blockchain na mag-aalis ng awtoridad ng isang middleman at magbibigay daan sa mga user na makipag-komunikasyon sa isang tunay na peer-to-peer na paraan. Ang paglikha sa Bitcoin ang siyang bumuo ng konsepto ng pinansiyal na desentralisasyon — isang ideya na ginawang posible sa teknolohiya ng blockchain.

Fast forward sa 2022, at ang teknolohiya ng blockchain ay patuloy paring bumubuti’t umaangkop. Ang Bitcoin ay nanatili paring pinakamalaki at pinaka-maimpluwensyang cryptocurrency sa loob ng mahigit isang dekada ngayon, na sinundan naman ng Ethereum. Nakalulungkot, man, ngunit ang orihinal na ideya ng pag-desentralisa ng mga network ay naiisawalang-bahala na sa kadahilanang ang mga blockchains ay mas lalong nagiging sentralisado. At ito ay hindi pa dahil sa isang direktang resulta ng mas mahigpit na regulasyon. Habang ang mga pangunahing pag-aari ng blockchain, tulad ng isang distributed ledger na solusyon na magagamit sa publiko ay naroon pa rin, ang diwa ng desentralisasyon ay nawawalan na ng kinang. Ang pangunahing dahilan nito ay ang isyu ng accessibility. O sa mas tumpak na kadahilan – ang kakulangan nito.

Ang pangangailangan para sa accessibility

Upang higit na maisulong ang pag-aampon ng teknolohiya ng blockchain, kailangang maging accessible ang mga blockchains. Hindi lang para sa mga indibidwal kundi pati na rin sa iba’t-ibang entidad na gustong sulitin ang bagong teknolohiyang ito. Sa kabila ng malaking pagtaas ng katanyagan dahil sa pinakahuling bull run, ang mga cryptocurrencies at teknolohiya ng blockchain ay medyo bago pa rin. Nangangahulugan ito na ang karamihan ng mga gumagamit ay hindi pa rin masyadong pamilyar sa kung paano ito gumagana. Kahit hindi pa iyon ang dahilan, may iba pang mga hadlang na siyang nagiging balakid para sa mga sikat na blockchain na hindi naa-access ng karamihan.

Ang isang malaking hadlang sa pagsimula ay ang mga bayarin sa transaksyon. Tingnan natin ang Ethereum bilang halimbawa sa problemang kailangang matugunan. Nang walang pag-alinlangan, ang Ethereum ang pinakamalaking platform ng mga smart contract. Tatak na bilang pinagmumulan ng iba’t ibang mga modelo ng token at gumagamit rin ng programming language na pamilyar na sa maraming developer, na isang dahilan kung gaano kadali bumuo rito.

See also  Gumawa ng Mga Smart Contract sa SC Playground ng Massa

Sa dakong banda, ang scalability ng Ethereum ay palaging isang isyu at ito ay humahantong sa hindi patas na pagtaas sa mga bayarin sa transaksyon. Kasama ang Layer 2 solution, sinusubukan nitong lutasin iyon, at ito’y napaka-posibleng malutas ngunit nagpapakita lamang ito ng isang malinaw na depekto sa mainnet, na kung saan maaari sanang lutasin kung merong lang itong isang magandang arkitektura. Ang isa pang red flag para sa desentralisasyon ng Ethereum ay ang kamakailang paglipat mula sa proof-of-work patungo sa proof-of-stake. Marami ang sasang-ayon na ang tunay na diwa ng desentralisasyon ay nakasalalay sa proof-of-work, isang concensus mechanism na nagpapahintulot sa sinuman na makilahok, suportahan ang seguridad ng network, at makakuha ng mga gantimpala para dito. Gayunpaman, ito ay humahantong sa pagtaas ng konsumo ng enerhiya.

Inaayos ng Proof-of-stake ang paggamit ng kuryente ngunit nagdaragdag ng isa pang hadlang para sa mga gumagamit ng Ethereum. Ang sinumang gustong magpatakbo ng isang node ay kailangang magkaroon ng hindi bababa sa 32 ETH sa kanilang wallet. Kahit na sa kasalukuyang downtrend ng market, hindi iyon isang maliit na halaga ng pera. Lubos nitong nililimitahan ang desentralisasyon ng network, na mas nililiitan ang bilang ng mga validator sa libu-libo sa halip sana’y milyon-milyon. Kung ang tunay na desentralisasyon ay dapat makamit sa sukat, ang agarang pangangailangan para sa isang bagong solusyon sa blockchain ay nagiging masakit na katutohanan.

Accessibility para sa lahat kasama ang Massa

Sa kanilang kaibuturan, ang mga pampublikong blockchain ay naninindigan para sa seguridad, transparency, self-governance at desentralisasyon. Gayunpaman, napakakaunting mga blockchain ang aktwal na nabubuhay sa napakahalagang hanay na ito. Dahil ang kalikasan ng tao ay isang bagay na mahirap baguhin kahit na sa teknolohiya, ang kapangyarihan ay may posibilidad na maipon sa loob ng mga piling indibidwal, sa kalaunan. Ang mga indibidwal na iyon ay maaaring direktang makaapekto sa hinaharap na pag-unlad at aplikasyon ng mga network ng blockchain.

Ang isang paraan upang maiwasang mangyari ito ay ang bumuo nang may pag-iintindi sa kinabukasan at makipag-ugnayan sa pinakamaraming miyembro ng komunidad hangga’t maaari. Ang pinaka-epektibong paraan upang makamit ito ay sa pamamagitan ng pagpapababa ng mga kinakailangan upang magpatakbo ng validator node sa network, demokrasya sa pamamahala ng blockchain at patuloy na pagsusumikap para sa pinakamataas na antas ng desentralisasyon. Kung mas mataas ang bilang ng mga kalahok, mas ligtas ang network.

Ito mismo ang kasalukuyang ginagawa ng Massa team. Ang Massa ay isang bagong lahi ng Layer 1 na pampublikong blockchain na binuo ng masa para sa masa. Niriresolba ni Massa ang matandang suliranin sa blockchain trilemma sa pamamagitan ng teknolohikal na inobasyon at pagsaalang-alang sa accessibility at desentralisasyon sa pamamagitan ng pagpapababa sa mga kinakailangan para magpatakbo ng node. Ang mga miyembro ng komunidad ay maaaring magsimulang magpatakbo ng kanilang sariling Massa validator node gamit ang ilang mga token, na nagbibigay-insentibo sa mas mataas na antas ng desentralisasyon at pagbubukas ng pinto para sa malawakang adopsyon. Sa mahigit 8000 validator node na tumatakbo sa beta mainnet, ang Massa ay nag-aalok na ng isang mataas na antas ng decentralization kaysa sa alinman sa mga katunggali nito sa Layer 1.

See also  Massa sa 2023: Isang Overview

Ang isa pang mahalagang elemento na nagdaragdag sa mataas na antas ng seguridad ng Massa ay ang mekanismo ng consensus na Proof-of-Stake na nakakatipid sa enerhiya at lumalaban sa Sybil. Sa katunayan, ang mga user ng Massa ay maaaring maglagay ng kanilang mga token, na nagbibigay sa kanila ng karagdagang insentibo na magpatakbo ng validator node at suportahan ang network 24/7.

Ang daan sa kinabukasan ay mas nagiging malinaw

Nililinaw ng mga kamakailang kaganapan sa crypto space na ang desentralisasyon ang daan sa kinabukasan. Dahil sa mataas na Nakamoto coefficient ng Massa, na direktang sumusukat sa desentralisasyon, mahihirapan ang anumang malisyosong pag-atake na tumagos sa seguridad ng Massa. Bukod sa pangunguna sa tunay na desentralisasyon, nag-aalok ang Massa sa mga user ng karagdagang mga pakinabang tulad ng libu-libong transaksyon sa bawat segundo, mababang bayarin sa transaksyon, walang limitasyong scalability at patas na tokenomics. Dahil wala sa mga sikat na Layer 1 blockchain na nag-aalok ng mga kinakailangang bahagi para makamit ang tunay na desentralisasyon, oras na para maghanap ng bagong alternatibo.

Nagagawa na ng Massa blockchain na tugunan ang pangangailangan para sa desentralisasyon at nagbibigay sa mga user ng solusyon na hindi nakompromiso ang seguridad o scalability. Sa mga hadlang sa itaas, pinapayagan ng Massa ang sinuman na magsimulang suportahan ang network at mag-ambag sa pagtupad sa pinakahuling layunin ng maximum na desentralisasyon. Makakatiyak sa wakas ang mga developer at user na ang blockchain na kanilang itinatayo ay mananatiling independyente at hindi maaapektuhan ng isang saradong grupo ng mga indibidwal.

Para sa isang tunay na desentralisadong kinabukasan, ang isang malinaw na landas ay ang Massa.

Total
0
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous Post

Massa — Kilalanin ang mga Tagapagtatag

Next Post

Ang Desentralisasyon ay di-negotiable


Disclaimer : This website does not invite anyone to invest in the projects we are talking about. This is simple information about crypto projects that we find interesting.
Related Posts