Massa — Kilalanin ang mga Tagapagtatag

Ang nagsimula bilang isang proyektong pagsasaliksik sa pagitan ng tatlong magkakaibigan noong 2017 ay naging isang katotohanan sa taong 2020 ng irehistro nina Sébastien Forestier, Damir Vodenicarevic and Adrien Laversanne-Finot ang Massa Labs bilang isang kompanya.

Si Sébastien ay mas naging interesado sa teknolohiya ng Blockchain mula noong 2017. Gaya ng karamihan sa panahong ito, napansin din niya ang problema sa pag-iskala ng mga naunang blockchains. Ngunit, sa halip na magpokus sa sentralisadong teknolohiya sa pagpapabuti ng pag-iskala, nagsimula siyang mag-isip tungkol sa pinakamainam na solusyon para sa blockchain trilemma alinsunod sa simpleng ideya ng parallelizing block creation. Noong Marso 2018, inilathala niya ang unang plano ng mga teoretikal na ideya at ang unang eksperimento: “Blockclique: Scaling Blockchains through Transaction Sharding in a Multithreaded Block Graph”. Ang pundasyon ng Massa ay naitatag: para sa mataas na kalidad ng pag-iskala ng walang balakid sa desentralisasyon. Ang nasabing article ay mas pinapabuti pa ng maigi sa loob ng maraming taon kasama ang bawat kontribusyon ng tatlong tagapagtatag.

Si Damir ang unang sumali sa proyektong inumpisahan ni Sébastien. Magkaibigan na sa matagal na panahon mula pa noong nag-aaral pa sila, bumaling si Sébastien sa kanya para gawin ang nakilala bilang teknolohiya ng Blockclique — na natatangi para sa pag-aangkop ng Proof-of-Stake, sa pagsusuri ng seguridad at tunay na pagsasalarawan. Si Adrien, na dating nagtatrabaho kasama ni Sébastien sa isang grupo na nakatuon sa pananaliksik sa robotics, ay sumali rin noong 2018 upang magtrabaho sa mga scientific fundamentals ng proyekto.

Sébastien Forestier — CEO

Ipinanganak noong 1991 sa Marseille, lumaki siya sa Aix-en-Provence. Una siyang nag aral ng computer science sa Ecole Normale Supérieure sa Rennes, pagkatapos ay cognitive science sa ENS Paris. Ang kanyang malaking interes sa natural at artificial intelligence ay nagtulak sa kanya na magsimula ng isang PhD sa Inria sa koponan ng Flowers. Doon siya gumawa ng pananaliksik sa kung paano mapabuti ang pagkamausisa ng mga robot gamit ang mga obserbasyon mula sa mga sanggol ng tao, at kung paano maunawaan ang mga mekanismo ng pag aaral na hinihimok ng kuryusidad sa pagkabata, sa tulong ng robotic experimentation. Habang nagtatrabaho sa topikong ito, naging interesado si Sébastien sa teknolohiya ng blockchain na humantong upang mabuo ang teknolohiya ng Blockclique. Ang unang nagsimula bilang isang side project ay ngayo’y nagpapatibay sa Massa blockchain.

  • Ang kanyang mga lathalain sa pananaliksik ay matatagpuan dito.
  • Ang robotic experiments ay naiulat sa Neflix Babies series, na may titulong “Movement”.
See also  Massa sa 2023: Isang Overview

Damir Vodenicarevic — CTO

  • Ang mga artikulo na kanyang inilathala bilang isang mananaliksik ay matatagpuan dito.

Adrien Laversanne-Finot — COO

Si Adrien, na isinilang sa Paris, ay nag-aral ng teoretikal na pisika at matematika sa École Polytechnique bago gumawa ng PhD sa teoretikal na Quantum Physics. Sa panahon ng kanyang PhD siya ay naging interesado para sa pag aaral ng makina, at natural na nagpatuloy sa isang postdoc sa larangang ito, sa Inria sa koponan ng Flowers. Dito niya nakilala si Sabastien, at nagtutulungan sila bilang bahagi ng iisang koponan, na sinisikap na maunawaan kung anong meron sa tao na sobrang daling matuto ng sa gayo’y  makapagdisenyo ng mas mahusay na mga algorithm sa pag-aaral para sa mga robot. Adrien, bilang si Sébastien, ay nagkaroon ng pagkakataong obserbahan ang paglitaw ng teknolohiya ng blockchain. Masigasig tungkol sa solusyon ni Sebastien sa scalability trilema nagpasya siyang sumali sa proyekto ng Massa at upang dalhin ang kanyang mga kasanayan sa agham.

  • Ang mga artikulo na kanyang inilathala bilang mananaliksik ay matatagpuan dito.

Mga naabot: ang simula ng paglalakbay

Sina Sébastien, Adrien at Damir ay naging laureate ng i-Lab contest 2021 (23rd edition) na inorganisa ng French Ministry of Higher Education, Research and Innovation sa pakikipagtulungan sa BpiFrance, at nakatanggap ng grant para sa Massa.

Ang koponan kamakailan ay nakakuha ng 5 milyong euro sa isang token privatesale. Salamat sa isang limitasyon sa bawat kontribusyon, ang pagbebenta na ito ay isa sa mga pinaka naipamahagi at makatarungang private sale sa ngayon sa mundo ng Layer-1 blockchains: ang koponan ay nakatanggap ng mga kontribusyon mula sa isang daang mga indibidwal at entity na kumakatawan sa 18 bansa, kabilang ang maraming mga kilalang backer sa industriya ng blockchain.

See also  Ang Ecosystem ng Massa ay nakakaranas ng record na paglago sa Q1 2023

Samantala ang koponan ng Massa ay mabilis na lumaki, na ngayon ay may bilang na na 12 propesyonal. Sampu sa kanila ay nakatuon sa pagbuo ng software ng Massa, kabilang ang smart contract engine, at dalawa sa mga ito ay nakatuon sa komunikasyon, marketing, pakikipagtulungan at operasyon. Ang koponan ay inaasahang dadami sa  25 katao sa pagtatapos ng Q1 2022.

Sa wakas, ang komunidad ng Massa ay maaaring ang pinakamalaking tagumpay: sa oras na ang mga linya na iyon ay isinulat, higit sa 10000 mga tao ang sumali sa aming Discord, 2200 ang aming Telegram, 2300 ang nag-follow sa amin sa Twitter. At nagdadala sila ng higit na pagmamahal sa proyekto ng Massa araw-araw.

Total
0
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous Post

Umabot sa €5 milyon ang nakalap na pondo ng Massa, ang tunay na desentralisadong blockchain

Next Post

Massa, ang pinaka-naa-access na Layer 1, sa ngayon


Disclaimer : This website does not invite anyone to invest in the projects we are talking about. This is simple information about crypto projects that we find interesting.
Related Posts