Ang Desentralisasyon ay di-negotiable

Without a doubt, ang 2022 ay magiging mahirap na taon para sa cryptocurrency market at mga blockchain firm sa buong mundo. Ang di-inaasahang pagbagsak ng Luna/Terra ecosystem, na sinundan ng Voyager, Celsius, at 3AC ay isang panimula lamang ng maaaring dumating sa hinaharap. Habang ang tunay na naniniwala sa crypto ay nanatiling matatag sa kanilang mga paniniwala, maraming mga investors ang nagsimulang mawalan ng pananampalataya sa industriya. Biglang naging malinaw na karamihan sa mga nangungunang mga manlalaro sa sektor ay magkakaugnay at kapag ang isa sa kanila ay bumagsak, ang iba ay tiyak na susunod.

Ang domino effect ng faux-decentralization

Makalipas ang humigit-kumulang anim na buwan, nasasaksihan natin ang isang masakit na katulad na sitwasyon, sa pagkakataong ito ang FTX naman. Ang sikat na sentralisadong exchange ay kabilang sa nangungunang 3 sa mundo ngunit hindi ito basehan upang sabihing ligtas ang FTX. Si Sam Bankman-Fried ay gumawa ng mabigat na pagkakamali sa paglikha ng mga reserba gamit ang sariling token ng exchange, ang FTT. Sa sandaling nagsimulang tumaas ang presyo ng FTT, mabilis na naging problema ang liquidity nito na humantong sa inaasahan nang bank run. Di-nagtagal, nag-file ang FTX para sa pagkabangkarote, na naging dahilan upang mas maihayag pa ang mga masasamang gawi sa loob ng kumpanya, kabilang na ang pagkawala ng humigit-kumulang $2 bilyon sa mga pondo ng user. Ang sitwasyon ng FTX ay mas nag-udyok pa sa mga regulator na humihingi pa ng mas mahigpit na kontrol sa crypto space. Ang pagbagsak ba ng FTX ay bahagi ng isang malaking plano upang magdala ng higit pang regulasyon? We may never know.

Ang alam natin ay masama ang sentralisasyon para sa crypto, na kung saan nasaksihan natin ang ilang mga halimbawa sa ngayon. Marami sa mga sentralisadong exchange at mga platform ng pagpapahiram ang nabigong gumawa ng mga tamang desisyon at ngayon ay umaani na ng mga consequences ng kanilang mga aksyon. Sa kasalukuyan, may dalawang nakikitang landas para sa crypto — pagtanggap sa paparating na regulasyon o pagdodoble sa DeFi. Sa aming pananaw, simple lang ang desisyon.

Ang DeFi ang siyang kasagutan

Desentralisasyon ay mananatiling pinaka-sentro sa industriya ng crypto. Ang Bitcoin whitepaper ay isang direktang tugon sa krisis sa pananalapi noong 2008 nang nabigo ang sentralisadong pinansyal sa mga tao sa ika-9 na pagkakataon. Ngunit sa nakalipas na dekada, salungat sa pananaw ni Satoshi, ang crypto ay naging mas sentralisado habang ang mga CEX ay patuloy na nakakakuha ng mas maraming user at asset. Pansamantala, ang mga desentralisadong protocol ay nagpapatuloy sa pagbuo at pag-unlad, na nagbibigay sa mga tao ng isang viable na alternatibo.

See also  Massa sa 2023: Isang Overview

Ngunit ang pagbuo ng DeFi sa isang sentralisadong blockchain ay isang pagkakahalintulad sa kung ano ang dahilan sa 2008 na krisis. Kunin nating halimbawa ang kamakailang paglulunsad ng Aptos blockchain at ang kakaiba nitong modelo ng tokenomics. Mas magiging kawili-wiling makakuha ng mas magandang pananaw sa Nakamoto Coefficient sa mga tuntunin ng tokenomics. Sa wakas, habang ang Solana ay nagkakaroon ng mga isyu dahil sa sentralisasyon nito, ang Aptos na ipinakita bilang isang 2.0 ng blockchain na sinusuportahan ng FTX ay maaaring maging sanhi ng ilang aalahanin.

Nang magsimula ang pagbagsak ng FTX, bumaba ang presyo ng APT at itinapon ito sa mga retail investor dahil ang karamihan sa mga token ay hawak ng team kahit hanggang ngayon. Huwag kalimutan, ang anumang nangyayari sa blockchain ay naroroon lamang magpakailanman at ito’y ganap na transparent.

Upang ang crypto ay tunay na makahanap ng tagumpay at masira ang mga tanikala ng sentralisasyon, ang desentralisadong ecosystem ay kailangang itayo sa isang desentralisadong blockchain. Dito pumapasok si Massa.

Ang tunay na desentralisasyon sa pag-iskala ay makakamit sa Massa

Ang Massa ay isang state-of-the-art blockchain na nag-aalok ng walang kapantay na desentralisasyon ngunit iyon lang ang simula. Isa-isang nilulutas nito ang tinatawag na “blockchain trilemma” sa pamamagitan ng hindi pagpilit sa mga user na gumawa ng pagpipili sa pagitan ng seguridad, scalability at desentralisasyon. Nakamit ni Massa ang lahat ng ito sa pamamagitan ng sopistikadong teknolohikal na pagbabago at pagbibigay sa lahat ng blockchain na idinisenyo upang makayanan ang pagsubok ng panahon. Sa mahigit 8000 node na tumatakbo na at ang pinakamataas na Nakamoto coefficient (isang sukatan na ginagamit upang matukoy ang antas ng desentralisasyon ng isang network) ng anumang blockchain, ang Massa ay palaging dalawang hakbang na nauuna sa kompetisyon. Dahil ito ay naging mas malinaw mula sa halimbawa ng Aptos, ang tokenomics ay napakahalaga at kahit na ang pinakadakilang proyekto ay maaaring masira ng di-magandang tokenomics. Ang modelo ni Massa ay nananatiling tapat sa komunidad.

Ang isa pang halimbawa ng mataas na antas ng desentralisasyon ng Massa ay ang katotohanan na ang pagpapatakbo ng isang node ay hindi isang pribilehiyo para sa isang maliit na grupo ng mga indibidwal. Kahit sino ay maaaring magpatakbo ng isang node. Ang tanging kinakailangan upang maging isang node operator ay ang pag hold ng ilang Massa token. Ginagawa nitong mas bukas ang Massa sa komunidad, at pagpapaalis sa mga hadlang sa mass adoption at ang pagiging desentralisasyon pa ng network sa mas mataas na antas.

See also  Umabot sa €5 milyon ang nakalap na pondo ng Massa, ang tunay na desentralisadong blockchain

Ang misyon ng Massa ay ang tunay na desentralisasyon mula pa sa unang araw. Nasa blockchain ng Massa ang lahat ng mga kinakailangan para sa pagho-host ng hinaharap ng DeFi:

  • Libo-libong mga transaksyon sa bawat segundo
  • Tunay na desentralisasyon
  • Mababang bayad
  • Nakakapag-iskala
  • Makatarungang tokenomics
  • Accessibility ng node
  • Sybil-resistant Proof-of-Stake consensus mechanism

Tiyak na darating ang mahigpit na regulasyon sa espasyo ng crypto ngunit hindi ito mangyayari sa isang buong araw. Samantala, ang mga proyekto ay kailangang isaayos sa paraang mapangasiwaan nila ang kanilang mga sarili. Doble ito para sa anumang blockchain na nagsasabing desentralisado ito. Niresolba ni Massa ang blockchain trilemma at nananatiling tapat sa komunidad nito. Ang Ethereum ay may pinakamahusay na intensyon ngunit ito ay dahan-dahang nagiging isang elitist blockchain na may mataas na gastos sa transaksyon, mababang scalability at isang mabigat na 32 ETH buy-in na kinakailangan para lamang patakbuhin ang iyong sariling desentralisadong node. Sa ngayon, ang Massa blockchain ay nagbibigay ng alternatibo kung saan ang buong komunidad ay maaaring gumanap ng aktibong papel hindi lamang sa desentralisasyon ng network (sa halaga ng isang pares ng mga token) kundi pati na rin sa pamamahala nito sa hinaharap.

Ang lahat ng ito, na ipinares sa ilang mga kahanga-hangang teknikal na features, ay nagbibigay-daan sa Massa na maabot ang higit sa 10,000 mga transaksyon sa bawat segundo at makamit ang pinakamataas na antas ng seguridad. Kung talagang gusto ng crypto na makahanap ng bagong Layer 1 blockchain na matatawag na tahanan, Ang Massa ay ang nakahihigit sa hamon. Ang desentralisasyon pa rin ang kinabukasan, ngunit kailangan itong gawin sa simula pa lang.

Total
0
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous Post

Massa, ang pinaka-naa-access na Layer 1, sa ngayon

Next Post

Pagsiguro sa hinaharap ng Web 3 – sa Massa


Disclaimer : This website does not invite anyone to invest in the projects we are talking about. This is simple information about crypto projects that we find interesting.
Related Posts